 Buo sana ang ligaya ng KALAYAAN ng bansa kung hindi lang naging matigas ang ulo ng mga Pilipino noong unang panahon. HIndi sana tayo naghihirap ngayon kung sana ay hindi lang tayo nangarap noon ng pagsasarili. Malaya sana tayo sa utang ngayon kung hindi lang tayo noon naglakas loob na tumayo sa sariling paa. . .na ang realidad, gumapang din sa hirap bandang huli. tanggapin nating ang mga Pilipino ay sadyang mataas ang pangarap sa sarili. kahit hanggang ngayon ay ganun ang ating pananaw sa buhay pero ang totoo, kulang ang ating kakayahan. Bilib tayo sa mga Bayani. mula kay Jose Rizal, Andres Bonifacio, Emilio Aguinaldo at marami pang iba ngunit ang masakit na katotohanan, minana rin ng mga makabagong lider ngayon ang BULOK at PANGIT na sistema ng pulitika noon unang panahon. Mga Bayani sa ating paniniwala dahil yun ang tinutukoy ng mga libro na ating nababasa sa eskwela, ngunit sila-sila rin pala noon ay walang habas na NAGTA-TRAYDURAN, NAGSISIRAAN, at NAGPA-PATAYAN. (tulad na lang nina Bonifacio at Aguinaldo) Ang El Filibusterismo at Noli Me Tangere na orihinal na isinulat sa salitang Espanyol na tanging mga Ilustrado at Edukado lang ang makakaunawa nung panahon na yun. Aba'y, ngayon lang naman yan isinalin sa wikang lubos nating mauunawaan, hindi ba? Ilang taon din tayong napasa-ilalim noon sa kapangyarihan ng mga Amerikano. Payapa, maunlad at naging tahimik ang bansa mula sa pananakop ng mga mas mapagsamantalang banyagang bansa. Nung lumabas ang JONES ACT, isang batas na ipinasa ng bansang Amerika na nagbibigay pahintulot sa Pilipinas na magsarili, nagdiwang ang mga Pilipino kasama na ang mga Ambisyosong kababayan natin na nagnanais ng mas malawak na kapangyarihan sa bansa. Matapos yun, bumulusok na mababa ang lagay ng Pilipinas. Unti-unti na tayong nabaon sa sangkatutak na utang na kung ngayon ay wala ka pang anak, bago ka pa magplanong gumawa ng anak ay may utang na s'yang dapat na bayaran sa Gobyerno. Paglabas naman nila sa mundong ibabaw, bubulaga sa kanila ang napakapangit, magulo, marumi at walang sistemang bansa at Gobyerno. Yan ba ang kalayaan na gusto nating matamo? Yan ba ang pangarap nating buhay? Aba'y, naunahan pa tayo ng mga bansang nakapaligid sa ating sa kaunlaran. Ang Guam, napakaliit ngunit maunlad. Ang Vietnam na dating lugmok, ngayon ay iniwan na tayo sa kaunlaran. Sayang!!
Purong Pilino ako at walang bahid ng dugong banyaga, pero nalulungkot ako sa ating bansa. Sana. . .Sana ay nagparaya na tayo sa Amerika. Sana ay maunlad tayo ngayon. Sana ay maganda ang sasakyang dala mo ngayon. Sana ay Dollor ang kinikita mo ngayon at hindi mo na kailangan pang mangimbang bansa para lang umasenso. Sana, libre ang pagpapa-ospital mo kung wala kang pambayad. Malaki sana ang tinatanggap na pensyon ng iyong mga magulang. Pero bakit, anong nangyari? Kabayaran yan ng kagustuhan nating tumayo sa sariling paa. Pilay din naman pala at hindi pantay ang lakad. kaya bangin ang ating kinasadlakan. Nakakalungkot at ito lang ang minana ko mula sa mga bayaning pinagpipitaganan nating lahat.
Sayang. . . .

 | maraming salamat sa paanyaya, kapatid. Ngunit hindi ko lubos maiisip na pang-contest ang nilathala kong ito. Nais ko lang naman ay, kahit sa payak na paraan, maiparating ko ang aking adhikain. Sana nga lang ay, di lang ikaw ang nakabasa. Muli, salamat. |
| |
|