Join MultiplyOpen a Free ShopSign InHelp
MultiplyLogo
SEARCH
Homemga ka-bentot!May 25, 2007
Ako si Bentot. . . Filipino sa kulay ng balat, buhok, mata, hugis ng ilong at paniniwala.

Hindi ako pakialamero. . pero gusto kong makialam. Hindi ako mapanira, opinyon lang naman ang akin. Nandito po kayo sa kauna-unahang forum na “kapag, ikaw na ang nagsalita. . siguradong may magre-react! “

Ang bentot’s opinyon ay “para sa’yo”, na “hindi naman pipi” pero hindi makapagsalita sa madla. “Mahilig yatang magkape”, kaya natatakot na sabihin ang ipinyon sa iba. O di kaya’y, sadya lang ayaw “makialam” para hindi na mapabilang pa sa “issue”. . .

Tara, pagusapan natin yan. . .
.
Videopanoorin mo 'to. Jun 15, 2007
Thumbnail"Kung matino ka at malinaw ang pagiisip at alam mong, may may asawa ka. . hindi mo gagawin 'to!!" - - Ilan lang yan ang mga opinyong naririnig ko sa mga kanto. .
Ayoko sanang patulan ang issue na ito pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Naaawa... more
   View All
.
Notekumento mo, mahalaga!
   
adevensolutions wrote on Mar 12, '08
the comment below was taken from dlm's friendster bulletin post :)
adevensolutions wrote on Mar 12, '08
ekonomista..... forte nya... ano
ngayon? bagsak ang ekonomiya.

mataas daw ang value ng piso? mahal pa
rin ang mga bilihin? anong theory ng
ekonomic ang ginagamit para makita ang
tamang economic performance ng isang
bansa? ask the marines. mga bobo.
lahat na lang ng panloloko ang
ginagawa para maniwala ang mga tao.
para naman kasing sila lamang ang
nakakaalam ng economy! pwe!

anomalyang di mapigilan. lantarang
panloloko sa mga tao. walang takot sa
camera... nakikita na ng buong bansa
at buong mundo ang mga
kasinungalingang ginagawa at mga
palusot, wala pa ring kakurap-kurap
ang mga mata... pagtatakpan pa rin ang
mga kabulastugang nangyayari sa
paligid.

hindi raw kidnap? eh ano yon?
vip treatment? paano raw yon? may vip
bang halos mamatay sa takot?
hahahhahahahah.... ginagawa mo akong
tanga!

noong una pa man, bulaan na. hindi na
raw tatakbo. hindi nga.... kasi
naglakad na lang siya.
hahhahahahaha.... ginawa mo na akong
tanga!!!

kurapsyon! walang kurap na kinukurap
ang lahat ng kumukurap sa mga
nangungurap sa karurap-kurapang mga
kurap! ano naintindihan mo baga yon?

tama na.... mga bulaan kayong lahat.
pasalamat na laang kayo at malaki na
ang pasensiya ng mga tao.

ipagtanggol ang konstitusyon.????? hah?
ano ba ang konstitusyon? ipagtanggol
ang iisang tao o pamilya ng iisang
tao? yan ba ang konstitusyon?

lagi na lamang sinasabing naghihirap
ang bayan.... saan ka ba nakakita ng
naghihirap na bayan na walang
patumanggang nagpapamudmod ng datung
kung kani-kaninong utaw?????

walang pakialam.... sa kinabukasan ng
mga mamamayan.... hindi pa
pinapanganak, lubog na sa utang...
tapos, inapagmalaking maganda ang
economic performance.... hahahhahaha
ginagawa mo akong tanga!!!!

natawa ako sa sinabi ni jambi
madrigal! huwag sanang masunog ang
inyong mga upuan.

kung pagmamalasakit sa taong bayan ang
tunay na adhikain ng mga namumuno sa
isang bayan.... sa tinagal-tagal na ng
panahon... dapat umaabante ang
buhay... kaso, hindi.... paurong ang
takbo ng ating bayan.... hello vietnam!
galing mo! naungusan mo na ang aming
bayan. ang bansang nalugmok dahil sa
digmaan... ngayon... nakikipag-
tsikahan tayo sa kanila... bakit?
kokopya ng assignments? makikibasa ng
libro tungkol sa tamang pamamaraan ng
pagpapatakbo ng isang bayan? haler!!!
kawawa naman. ay mali... may cash-
unduan pala para mag-explore ng langis
sa sprtley island ba yon?
ay bakit naman pinatigil pati ang
exploration ng oil sa palawan? hihihihi
buhay na buhay, binebenta na ang aking
kaluluwa... ako'y buhay pa....
hahahhahhhaaa.... talaga naman...
ginagawa mo akong tanga.....

bansang may demokrasiya.... lahat
naman ng kalayaan mo, may limitasyon.
hahahahhaha.... may democratic
space... makipot nga lang.
demokrasiyang nakakatakot.

ang mga galamay ng bayan... parang mga
bata.... pagbinato mo.... babatuhin ka
rin. lagi, gustong makaganti.

hoyyyyyyyyy!!!!!! magsilbi na laang
kayo sa bayan.... hindi yung kayo ang
inapagsilbihan.

hahahhhaaaa.... ginagawa mo akong....
tanga!!!!

yan ang republika ng pipino sa
arkepelago ng mga langgam na mukhang
tikbalang.

kawawa naman sila. papaano na sila pag
sila ay pumanaw? habang mas maaga pa,
pagsisihan na ang mga kasalanan. pwede
pang humabol.... malapit na ang holy
week. mag penetensiya na kayooooo!!!!!
hoyyyyy!!!!!!!!
ginagawa mo akong..... tanga!!!!!!!!!!
purplepinksky wrote on Aug 31, '07
happy happy birthday (",). GOD bless you!
bentotsopinyon wrote on Aug 8, '07
salamat, kabayan. bihira ang nagsasabi sa akin nyan. nakaka-miss!
joshhonhot wrote on Aug 7, '07
ang panget ni ka bentot..ahaha
bentotsopinyon wrote on Aug 6, '07
hello. . kumusta na kayo. . post naman jan. ang bang bagong balita?, .
bentotsopinyon wrote on Jun 19, '07
kumusta kayo, mga kabentot?!!!
bentotsopinyon wrote on Jun 18, '07
tnx marge. .abang lang sa mas marami pang issues na dapat ng masinsinang pagtalakay.
marge26 wrote on Jun 18, '07
Nakakatuwa ka; humor behind the sarcasm. Astig, sulong! :0
bentotsopinyon wrote on Jun 15, '07
Para pong hindi. . he he
Nga pala, may bago po akong post. Nabisita ko kasi ang profile mo and may nalaman akong ilang bagay tungkol sa'yo kaya nagkaroon ako ng intires, isulat ito. I-forward mo na lang sa mga frends mo for future use. Hope na magustuhan mo. Nasa review section po. tnx.
gherlyn wrote on Jun 15, '07
n6ek... nc0nfirm n b kta..?
bentotsopinyon wrote on Jun 15, '07
tnx po sa confirmation, ate gerlyn. okay lang po. kumusta po ba? ingats po palagi.
gherlyn wrote on Jun 15, '07
s0ry huh,kung d q p kn0-c0nfirm un6 invitat!0n muh, d q kc alm kun6 pn0 im new here plan6 kc d q p alm un6 packot-ck0t...heheheh
bentotsopinyon wrote on Jun 13, '07
Gandang araw, mga ka-bentot. . mabuhay tayong lahat!!
bentotsopinyon wrote on Jun 12, '07
Hindi ako naniniwala sa kalayaan, kung natitikis pa rin tayo ng kahirapan. Mistulang nakatali ang mga paa at kamay at walang kakayahang gawin ang nais, dahil maiksi ang pisi.
bentotsopinyon wrote on Jun 8, '07
hi gherlyn. . hindi po ako writer ng kung anumang dyaryo, radyo o sa telebisyon man. Una sa lahat, hindi po ako ang makikinggan nyo sa site na ito, kundi kayo. kayo po ang bida! ha ha neweys, tnx gerlyn. see u around!
bentotsopinyon wrote on Jun 8, '07
hi cheloulm. . .basta ikaw. ingats palagi.
gherlyn wrote on Jun 8, '07
hello writer k b pran6 obvious kc... heheheh s0 san kang department?pra mbs nmn ung article muh! heheheh...
chelloulm wrote on Jun 8, '07
hello bentot..thanks 4 d invite =)
bentotsopinyon wrote on Jun 7, '07
hi xd. maricarx. . ayon sa mga teasers na napapanood ko, mukha ngang go na go na ang meteor garden sa chan 7. di lang ako sure sa timeslot. neweys, malalaman natuin yan kung may kagat pa rin sa masa ang f4 as in ang "fasaway 4". ..ingats po palagi.

nagmamahala, bentot!!
xmaricarx wrote on Jun 4, '07
hei..bentot..tnx sa pag visit ha xd.Maricar pla meh...:P.
pero.ipapalabas ba ulit ung meteor ganden.???pareho lng ba sa abs-cbn??or ibang season na?
e di pag inuulit wala na masyado manonood?!?:P:)
bentotsopinyon wrote on May 31, '07
welcome, joshhonhot. . .ingat ka rin. ano ba ang atin?
joshhonhot wrote on May 31, '07
kumusta mga kabentot. . long time no hear!! Ingats kayo palagi!
bentotsopinyon wrote on May 26, '07
pa-check na lang po sa profile ko. tnx for posting leanime. hoping for more posts from you. Please, pakilala mo ko sa mga friends mo. .
leanime wrote on May 26, '07
korek! hindi halatang gustong-gusto mo ang f4 huh? gurl ka rin ba, bentot?
bentotsopinyon wrote on May 25, '07
napanood ko sa chanel 7, ipapalabas uli ang meteor garden. can't wait for it!! grabeh, gusto ko na uli syang mapanood. kaya lang, same voices pa rin kaya ang gagamitin? meron ba pwedeng makatulong sa inquiry ko? tnx! ka-bentot na rin ako.
qtbench wrote on May 25, '07
okay 'tong site na 'to huh? ge, maka-post nga.

Dati ring tindera sa sidewalk ang mama ko. galit na galit kami kay bayani noon kasi madalas makipaghabulan sa mga MMDA ang mama ko. nadadapa, nasusugat at sumasakit ang katawan dahil "matanda na nga" nakikipag-sprinter pa kapag hinuhuli.

noon yun. .
pero ngayon, nakita ko naman ang malinis at maginhawang daanan na sidewalk. hindi nga sya nagkamali ng desisyon. "sidewlaks are for people." saludo ako kay Bayani Fernando. . pero hindi sa kalokohan ng ilan sa kanyang mga opisyal sa daan.
bentotsopinyon wrote on May 25, '07
Hindi ako bumoto nung Mayo ka-torse. . . dahil alam kong magsasayang lang ako ng pitong-pisong pamasahe papunta sa presinto ko para sa isang botong magmi-mistulang kulangot lang sa pader. hindi rin naman mabibilang.

Sabihin na nilang wala akong pakinabang pero wa-pakels ako. . Ang importante, napakinabangan ko ng mahusay ang oras ko. At ‘wag nyo na kong sermunan dahil mas masaya kong nagpapalamig nun sa ESEM nort para tumigil naman ang pagpapawis ko. tuyong-tuyo na ang katawan ko dahil sa init. para na kong dinanggit-bay. . . nakipaglambutsingan na lang ako sa asawa ko hanggang sa maabot ko ang “glorya” he he he Habang ang “Gloria” naman sa Malacanang. . hayun, ngingisi-ngisi dahil inuumpisahan na ang pandurugas nya. . AWAAAARD talaga si madam.

Bakit pa ko magaabala pa, samantalang wala rin naman akong naging pakinabang. . 28 taon na kong nabubuhay, kulang 10 taon na kong nagta-trabaho pero ano? . .tinadtad lang naman ko ng tax!!! buong kukunin sa akin, kalahati ang mapupunta sa bulsa ng mga “tarantadong” nasa Gobyerno, yung kalahati naman paghahati-hatian ng “burukrasya”. barya na lang ang matitira pambili ng “manipis” na bakal, panggawa ng mga lansangan. barya lang, kaya hindi makabili ng pantakip sa mga “man hole” at butas-butas na sidewalk. . .hanep!!

Wala rin namang nagawa yung “pagpapa-lamig at pagpapa-sarap” ko nun sa mol e . . .pero atleast, napakinabangan ko yung karampot na kitang, binawasan pa ng “letseng” tax na yan. . . kung hindi ko gagawin yun, kelan pa? kapag nasimot na ko ng “Gobyernong” punong-puno ng anumalya? tatawanan lang ako nun bandang huli dahil kumita na sila sa akin. nakakain na sila sa mga mamahaling restoran samantalang ako, purgang-purga na sa “instant nudels” . . ayos!
.
ReviewReviewsJun 15, 2007
ThumbnailSEX, napakalawak na usapin.
Iba't-ibang opinyon, kuro-kuro at aral ang maririnig mo sa iba't-ibang tao at sector ng lipunan, ngunit ang totoo. . .pwede na itong pagkasunduan ng kahit dadalawang tao lang.
Kung si kaBentot ang tatanungin mo, hangga'... more
Previous reviews:
Jun 12-"kalayaan" at ambisyosong mga Bayani.
Jun 8-PACQUIO! magandang adhikain, sa palpak na paraan.
May 26-totoo ba ito?
   View All
.....
.
..
ContactsContacts
aubrei16star
aubZ_xvi
purplepinksky
Camillea
katkatsabal
KatKat
joshhonhot
lovePURPLE
marywille
pRiNcEsS
yangkidudel
yang

   View All
.
GroupsGroups
dubberkads
dubberkads
kapusogroup
kapusogroup
filipinocommunity
filipinocommunity

....